City of Imus

Imus LGU, Maynilad, DENR-EMB, magtutulungan para sa kalinisan ng mga Ilog Julian at Imus



January 29



Upang maprotektahan at mapaganda ang kalidad ng tubig na dumadaloy sa mga Ilog Julian at Imus, binuo ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, Maynilad, at Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR – EMB) CALABARZON ang programang Bigkis-Tubig sa pamamagitan ng isang memorandum of understanding (MOU) nitong Enero 29, 2024.