Pormal nang binuksan ang kauna-unahang Imus Super Health Center na matatagpuan sa Legian II, Brgy. Carsadang Bago I nitong Enero 19, 2024, sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula at sa tulong ng tanggapan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at ni Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula. Nanguna rin sa inagurasyon sina Department of Health (DOH) Secretary Dr. Teodoro Hermosa, DOH Regional Director Dr. Ariel Valencia, City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, Konsehal Enzo Asistio na tagapangulo ng Komite sa Kalusugan at iba pang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, City Health Officer Dr. Ferdinand Mina, at Dr. Cherrie Boque ng Imus Super Health Center. Ilan sa mga serbisyong maaaring makuha rito ay ang x-ray, laboratory, Tuberculosis – Directly Observed-Therapy Short-course (TB-DOTS), at konsultasyon. Matatagpuan din sa super health center ang treatment area, animal bite clinic, dental clinic, Reproductive Health and Wellness Center, Key Assistance for Developing Adolescents (KADA) Center, records and assistance corner, at pharmacy. Mayroon din itong National Immunization Program and Family Planning Office, Alapan Office, Carsadang Bago Office, Pag-asa Office, Emergency Operation Center/Disaster Risk Reduction and Management in Health Office, Health Education and Promotion Office (HEPO), Doctor’s Office, staff quarters, conference room, at audio-visual room. Maituturing na pinakamalaking super health center sa buong Cavite ang Imus Super Health Center.