City of Imus

LED Traffic Signal Poles, Directional Signages, makikita na sa Imus



January



Kung ikaw ay napadaraan sa kahabaan ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway, maaaring nakita mo na ang bagong LED traffic signal poles at maging ang directional signages.

Ang mga ito ay mungkahi nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula tungo sa mas ligtas na pagbabaybay ng mga motorista sa mga daan sa Imus.

Matatagpuan ang naturang LED traffic signal poles — isa sa mga inisyatiba ni Mayor AA at marahil ay kauna-unahan sa bansa — sa mga intersection malapit sa Medical Center Imus, Lumina Point Mall, The District Imus, at 7-Eleven Pag-asa.

Bahagi naman ang directional signages sa mga Congkretong Proyekto ni Cong. AJ.