Sa layuning patuloy na maiangat ang karapatan ng bawat kababaihan sa Imus, iba’t ibang
programa ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagdiriwang ng Pambansang
Buwan ng Kababaihan ngayong Marso 2024 sa temang, “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas:
Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!” sa pamumuno ng City of Imus Gender and
Development (GAD) Unit.
More Info
Personal na ginawaran ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula noong Marso 15, 2024 ang
Imuseñong centenarian na si Tatay Rufino Tapawan mula Brgy. Malagasang I-G ng P100,000 at
grocery package sa kaniyang pagdiriwang ng ika-100 kaarawan.
Nakasama rin ni Mayor AA ang Office of the Senior Citizens Affairs at Imus Senior Citizens
Association Incorporated.
Ayon sa Republic Act No. 10868, o ang “Centenarians Act of 2016,” dapat ay makatanggap ng
P100,000 ang mga Pilipinong edad 100 taong gulang.
Makagagamit na ng libreng Wi-Fi connection ang mga Imuseño sa kanilang pagbisita sa mga
tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus matapos isagawa nina City Mayor Alex “AA” L.
Advincula at H Philippines Control Station Inc. President Anne Rodriguez ang Memorandum of
Agreement Signing nitong Marso 8, 2024 sa New Imus City Government Center.
Sa pamamagitan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced
Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) at katuwang ang
tanggapan ni Senador Bong Revilla, nabigyan ng pansamantalang trabaho ang 1,649 na
Imuseñong pumirma ng kanilang kontrata at nakatanggap ng paunang-sahod noong Marso 8,
2024.
Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula at mga miyembro ng Sangguniang
Panlungsod ng Imus ang naturang programa.
Ang TUPAD ay isang community-based amelioration program ng DOLE na nagbibigay ng
pansamantalang trabaho sa displaced, underemployed, at seasonal workers.nt
Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang panunumpa ng pitong opisyal ng
barangay noong Marso 8, 2024 sa New Imus City Government Center.
Nanumpa sina Punong Barangay Joven Lares at Kagawad Jayday Kyle Advincula ng Brgy.
Anabu I-D, Kagawad Mario Miranda ng Brgy. Tanzang Luma II, Kagawad Greg Getonzo ng
Brgy. Pinagbuklod, Kagawad Francis Barte ng Brgy. Anabu II-A, Kagawad Elsa Gadiano ng
Brgy. Mariano Espeleta III, at Kagawad Christian Allan Santiago ng Brgy. Malagasang II-A.
Hangad ni Mayor AA ang tapat at maayos na paglilingkod ng mga bagong opisyal ng barangay
para sa patuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Imus.
Kinumusta ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang kalagayan ng Animal Impounding and
Healthcare Center gayon din ang mga tanim na gulay sa tanggapan ng Office of the City
Agriculturist sa City Ecological Village, Brgy. Malagasang I-G noong Marso 4, 2024.
Sa pamamagitan ng mga regular na pagbisita ni Mayor AA sa mga tanggapan ng Pamahalaang
Lungsod ng Imus, mas nasusuri at napag-aaralan niya ang mga pangangailangan ng mga
Imuseño.
Sinimulan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Imus ang Fire Prevention Month sa pagdaraos ng
Urban Fire Olympics 2024 noong Marso 2, 2024, malapit sa New Imus City Government Center.
Ipinamalas ng 11 Barangay Fire Brigades at dalawang Industrial Fire Brigades ang kanilang
kahanga-hangang kakayahan sa pagsugpo ng sunog at sa iba’t ibang rescue techniques.
More Info
Personal na iniabot ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula noong Marso 11, 2024 sa New Imus
City Government Center ang cash incentives ng mga kabataang kumatawan sa Imus sa
ginanap na Regional Schools Press Conference (RSPC) ng Department of Education
CALABARZON sa Laguna noong Pebrero 27 hanggang Marso 2, 2024.
More Info
Makikita na ang bagong welcome arches ng Lungsod ng Imus sa mga boundary nito sa mga
karatig lungsod at bayan simula ngayong Marso.
Ang mga tagapagbati sa mga dumaraan at bumibisitang motorista ay matatagpuan sa boundary
ng Imus sa mga lungsod ng Bacoor, General Trias, at Dasmariñas at bayan ng Kawit, Cavite.
Nagsama-sama ang City of Imus Traffic Management Unit, Civil Security Unit, at Imus Pulis
para mabantayan ang kaligtasan ng mga motorista sa kanilang pagbabaybay sa mga kalye ng
Imus mula alas-12 hanggang alas-singko ng umaga sa pamamagitan ng binuong grupo ng lokal
na pamahalaan na “Task Force TOMAHAWK” ngayong Marso 2024.
More Info
Nagtulong-tulong ang Pamahalaang Lungsod ng Imus, pribadong sektor, at iba pang ahensya
ng gobyerno noong Marso 23, 2024 para sa sabayang paglilinis ng bahagi ng Imus River sa
Ragatan, Brgy. Anabu I-G bilang pagdiriwang sa World Water Day tuwing Marso 22.
More Info
Sa ikalawang magkasunod na taon, pinarangalan ang Imus City Public Library ng Most Diligent
Public Library in the Philippines para sa taong 2023 sa katatapos na 6th Gawad Pampublikong
Aklatan ng National Library of the Philippines (NLP) noong Marso 22, 2024 sa NLP Building,
Ermita, Manila.
More Info
Iginawad sa Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ng Office of the City Agriculturist, ang Certificate of Recognition matapos kilalanin bilang isa sa top performing local government units (LGUs) sa implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) – Seed Program for the 2023 Wet and 2024 Dry Seasons sa ginanap na 2024 RCEF Seed and Extension Programs CALABARZON Partners Recognition and Awarding Ceremony ng Department of Agriculture – Philippine Rice Research Institute Los Baños noong Marso 15, 2024. Patunay ito sa kontribusyon at suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Imus para matulungan ang mga magsasakang umangat sa kabila ng industriyalisasyon.
Idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ng Imus City Public Library, ang “BOOKLAT: A Book Translation Workshop” noong Marso 8, 2024, na ginanap sa Function Hall ng New Imus City Government Center sa paggunita ng “65th Public Library Day.”
More Info
Pinasinayaan ng Office of the City Agriculturist ang programang “Farmers Field School (FFS) on Urban Gardening” noong Marso 7, 2024, sa City Plant Nursery ng City Ecological Village.
Layunin nitong maituro sa mga magsasaka at may interes sa pagtatanim ng gulay at prutas ang mga kaalaman patungkol sa urban gardening.
More Info
Pinaunlakan ni Atty. Chel Diokno ang imbitasyon ng Cavite Sangguniang Kabataan (SK) Federation sa programang “Legally Crafted CaviteKnows: Empowering Youth through Lawmaking and Project Creation” noong Marso 2, 2024 na ginanap sa Function Hall ng New Imus City Government Center.
More Info
Humigit-kumulang 500 magulang at guro ang dumalo sa ginanap na “Mental Health Talk for
Parents of Children & Developing Adolescents” ng Imus City Health Office (CHO) noong Marso
1, 2024 sa Cachapero Learning School.
More Info