City of Imus

Legally Crafted CaviteKnows: Empowering Youth through Lawmaking and Project Creation, ginanap sa Imus



March 2



Pinaunlakan ni Atty. Chel Diokno ang imbitasyon ng Cavite Sangguniang Kabataan (SK) Federation sa programang “Legally Crafted CaviteKnows: Empowering Youth through Lawmaking and Project Creation” noong Marso 2, 2024 na ginanap sa Function Hall ng New Imus City Government Center.

Natutunan nina Cavite SK President Chelsea Sarno, Imus SK President Glian Ilagan kasama ang Imus SK officers at chairpersons, at iba’t ibang SK chairpersons sa Cavite ang mga batas na may kaugnayan sa kanilang tungkulin at mga proyektong mag-aangat sa mga kabataang Caviteño.

Nagbigay-mensahe rin si Board Member Francisco Gabriel Remulla, habang nagbigay-pagbati si City Administrator Tito Monzon bilang kinatawan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula.

Sa pamamagitan nito, naniniwala ang Pamahalaang Lungsod ng Imus na mas mapabubuti ang paglilingkod ng SK sa mga kabataan.