Idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ng Imus City Public Library, ang “BOOKLAT: A Book Translation Workshop” noong Marso 8, 2024, na ginanap sa Function Hall ng New Imus City Government Center sa paggunita ng “65th Public Library Day.” Nilahukan ito ng 41 guro mula sa Gen. Emilio Aguinaldo National High School at 26 na mag-aaral mula sa Malagasang III Elementary School na natutunan kung paano ang wastong language translation ng mga libro. Katuwang sa naturang workshop ang The Asia Foundation kasama si Program Officer Reynald S. Ocampo. Ipinagdiriwang ang Public Library Day tuwing Marso 9, batay sa Proclamation No. 563, taong 1959. Layon nitong maitaas ang kamalayan ng publiko sa kapakinabangan ng mga pampublikong aklatan sa lipunan. Nakasentro ngayong taon sa temang “Ikaw, Ako, at ang Pampublikong Aklatan: Higit Animnapu’t Limang Taong Pagtutugunan” ang Public Library Day.