City of Imus

Imus City Public Library, muling ginawaran ng 2023 Most Diligent Public Library in the Philippines



March 22



Sa ikalawang magkasunod na taon, pinarangalan ang Imus City Public Library ng Most Diligent Public Library in the Philippines para sa taong 2023 sa katatapos na 6th Gawad Pampublikong Aklatan ng National Library of the Philippines (NLP) noong Marso 22, 2024 sa NLP Building, Ermita, Manila.

Personal itong tinanggap nina City Librarian Rosena V. Roman at Special Assistant to the Mayor Jeff Purisima bilang kinatawan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula.

Iginagawad ang nasabing parangal sa pampublikong aklatang walang-humpay na nagpapasa ng regular na buwanang ulat ukol sa mga programa at proyektong mas magpapayabong sa edukasyon at kaalaman ng mga mamamayan.