Humigit-kumulang 500 magulang at guro ang dumalo sa ginanap na “Mental Health Talk for Parents of Children & Developing Adolescents” ng Imus City Health Office (CHO) noong Marso 1, 2024 sa Cachapero Learning School. Pinangunahan nina Health Education and Promotion Office Designate Dr. Cherrie Lyn Boque at Focal Nurse Tess Macawili ng Key Assistance for Developing Adolescents ang pagtalakay sa mental health challenges na pinagdaraanan ng mga kabataan at tulong na maaari nilang ibigay. Layon ng nasabing programang magkaroon ng sapat na kaalaman at maunawaan ng mga magulang ang kani-kanilang mga anak upang matulungan ang mga ito.