Nagsama-sama ang City of Imus Traffic Management Unit, Civil Security Unit, at Imus Pulis para mabantayan ang kaligtasan ng mga motorista sa kanilang pagbabaybay sa mga kalye ng Imus mula alas-12 hanggang alas-singko ng umaga sa pamamagitan ng binuong grupo ng lokal na pamahalaan na “Task Force TOMAHAWK” ngayong Marso 2024. Layon nitong maiwasan at mabawasan ang mga aksidenteng kalimitang nangyayari sa daan mula hatinggabi sa pamamagitan ng mas pinaigting na pagpapatupad ng batas trapiko. Ilan sa kanilang mga binabantayan ay ang No Helmet/Improper Helmet, Driving without Proper License, Unregistered Motor Vehicles, at Driving under the Influence of Alcohol.