City of Imus

Imus LGU, mga ahensya ng gobyerno, pribadong sektor nagkaisa sa paglilinis ng Imus River sa World Water Day



March 22



Nagtulong-tulong ang Pamahalaang Lungsod ng Imus, pribadong sektor, at iba pang ahensya ng gobyerno noong Marso 23, 2024 para sa sabayang paglilinis ng bahagi ng Imus River sa Ragatan, Brgy. Anabu I-G bilang pagdiriwang sa World Water Day tuwing Marso 22.

Sa tala, 190 kg o 85 sako ng basura ang nalikom ng 278 volunteers. Tinatayang nasa 95 kg ang nabubulok, 50 kg ang residual, 25 kg ang water hyacinth, at 20 kg ang nareresiklong basura.

Nanguna rin sa nasabing cleanup activity ang river adopters na San Miguel Yamamura Packaging Corp. – Glass Plant, JM Purificacion Trading, at mga Sangguniang Barangay ng Anabu I-C, I-E, I-F, at I-G.

Naging bahagi rin ang Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR – EMB), DENR – EMB Provincial Environmental Management Unit Cavite, DENR – Provincial ENR Office River Rangers, Universal Robina Corp. – Hello Snacks Food at Nissin, WalterMart, at Ayala The District Imus.

Nawa’y magsilbi itong paalala sa mga Imuseñong huwag magtapon ng basura kung saan-saan, pagbukurin ang kanilang mga basura, at isagawa ang 4Rs na refuse, reduce, reuse, at recycle.

Tema ng pagdiriwang ng World Water Day 2024 ang “Water for Prosperity and Peace.”