City of Imus

Farmers’ Field School on Urban Gardening, inilunsad ng Imus LGU



March 7



Pinasinayaan ng Office of the City Agriculturist ang programang “Farmers Field School (FFS) on Urban Gardening” noong Marso 7, 2024, sa City Plant Nursery ng City Ecological Village.

Layunin nitong maituro sa mga magsasaka at may interes sa pagtatanim ng gulay at prutas ang mga kaalaman patungkol sa urban gardening.

Ipinakilala ni City Agriculturist Robert Marges ang mga bagay na matututunan ng 25 kalahok sa kabuuang pagsasanay.

Dinaluhan din ito nina Special Assistant to the Mayor Jeff Purisima bilang kinatawan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Officer-in-charge Jericho Reyes ng Youth Affairs Office, Punong Barangay Mark Valerio ng Brgy. Malagasang 1-G, at Ms. Nica Bautista bilang kinatawan ni Konsehal Totie Ropeta.

Bago matapos ang buwan ng Marso, natutunan na ng mga kalahok ang facilitation principles and method, levelling of expectations, setting of learning norms, seeds, seedbed and container preparation, land preparation kasama na ang hands-on training, seed sowing and caring of seedlings, planting, transplanting, at agro-ecosystem analysis (AESA).

Nakatakdang magtagal ang naturang training hanggang Hunyo ngayong taon.