City of Imus

Libreng Full Tank para kay Manong Toda, umarangkada



February 16



Libreng full tank gas ang handog nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula kina manong TODA (Tricycle Operators and Drivers’ Association) noong Pebrero 16, 2024 sa Lungsod ng Imus.

Nakasama sa pag-arangkada ang mga TODA driver mula sa iMart, San Roque TODA sa pangunguna ni Ernesto Beltran, at Imus Public Market TODA na pinangungunahan ni Emmanuel Camantigue.

Sa programang ito, lahat ng miyembro ng 37 TODA sa Imus ay binigyan ng gas coupons na maaari nilang ipapalit para makatanggap ng libreng full tank mula sa piling gas stations.

Layunin nitong maibsan ang pasakit na dinaranas ng TODA drivers na dulot ng tumataas na presyo ng gasolina.