City of Imus

48 units ng LED streetlights, bunga ng 2022 SGLG incentive fund ng Imus LGU



February 28



Pinasinayaan nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Department of the Interior and Local Government (DILG) Regional Director Engr. Ariel O. Iglesia, at DILG Provincial Director Engr. Danilo A. Nobleza ang 48 units ng LED streetlights nitong Pebrero 28, 2024 sa kalye sa pagitan ng Ospital ng Imus (ONI) at Imus Police Station, Brgy. Malagasang I-G.

Bunga ito ng 2022 Seal of Good Local Governance (SGLG) Incentive Fund na natanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Imus mula sa DILG.

Naganap din ang isang ceremonial signing na pinangunahan nina Mayor AA at Engr. Iglesia kaugnay ng naturang proyekto.

Saksi rito sina DILG Cluster Head A Nencita Costelo, DILG Imus City Local Government Operations Officer Ryan Joseph Geronimo, Chief of Hospital Dr. Gabriel Gabriel ng ONI, Chief Officer PLTCOL Jack Angog ng Philippine National Police Imus, City Administrator Tito Monzon, Chief of Staff Allen Atienza ng Congressman’s Office, Special Assistant to the Mayor Jeff Purisima, Engr. Chris Sarno ng City Engineering Office, Junar Alamo ng Civil Security Unit, at Punong Barangay Mark Oliver Valerio ng Malagasang I-G.

Iginagawad ang SGLG sa mga lokal na pamahalaang nakapasa sa pamantayan ng DILG sa 10 performance areas.