City of Imus

73 batang bingot at ngongo, inoperahan sa Operation HOPE Medical Mission ng PAGES



February 2-10



Matagumpay ang operasyon ng 73 batang bingot at ngongo sa isinagawang Operation HOPE Medical Mission: Libreng operasyon sa pagkabingot at pagkangongo ng Philippine American Group of Educators and Surgeons (PAGES), katuwang ang Ospital ng Imus, mula noong Pebrero 2–10, 2024 na ginanap sa naturang ospital.

Layunin ng nasabing medical mission na mabigyan ng kaginahawaan at kaayusan ang paghinga, pandinig, at pananalita ng mga batang edad tatlong buwan hanggang 12 taong gulang.

Bago isalang sa operasyon, sinuri muna ang mga bata upang matiyak ang kanilang kaligtasan. Kinumusta rin ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang mga pasyente bago at matapos ang kanilang operasyon.

Nagkaroon naman ng isang gift giving ang PAGES at ang Imus City Social Welfare and Development Office kasama si Officer-in-charge Josephine Villanueva noong Pebrero 7 sa Children and Youth Center, Pilot Elementary School.

Nagpaabot ng pasasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa PAGES, mga volunteer, at mga organisasyong naging kaagapay rito sa pamamagitan ng isang salusalo.