City of Imus

30 TESDA scholars, binati ni Cong. AJ sa kanilang pagtatapos



February 2



Binigyang-pagbati ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula ang 30 Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) scholars na nagtapos ng Housekeeping NC II vocational course noong Pebrero 2, 2024 na ginanap sa Function Hall ng New Imus City Government Center.

Nakasama rin sa culminating activity sina TESDA Provincial Director Rosalinda Talavera at School Administrator Edwin Barbudo ng Beatitudes Theological and Technological College – Imus.

Ang mga naturang scholar ay sumailalim sa 55 araw na training, kung saan nakatanggap din sila ng pinansyal na tulong para sa kanilang allowance at national assessment fee.

Sa tulong ng TESDA, natututunan ng mga Pilipino ang iba’t ibang teknikal na kasanayan nang hindi kinakailangang magbayad.