Inihatid nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula
ang mga bagong playground slide sa tatlong child development centers na kinabibilangan ng
Patio Tirona sa Brgy. Malagasang II-D, Little Fingers sa Brgy. Malagasang II-A, at Woodlane sa
Brgy. Malagasang I-B noong Biyernes, Pebrero 2, 2024.
Ipinagkaloob din ng lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng Local Council for the Protection
of Children, ang mga bagong TV at laruan na magagamit ng mga bata sa kanilang pagkatuto.
Nakatanggap din ang mga chikiting ng happy meal toys mula sa McDonald’s Philippines.
Inihayag naman ni Mayor AA ang planong pagtatatag ng livelihood training center malapit sa
mga child development center upang mapayabong pa ang kaalaman ng mga magulang habang
sila ay naghihintay sa kanilang mga anak.
Samantala, ibinahagi ni Cong. AJ ang muling paglunsad ng kaniyang programang dental
mission para sa pangangalaga ng mga ngipin ng mga batang Imuseño.