City of Imus

Aksyon Atleta Program: Sapatos at cash allowance sa mga kabataang atleta



June 20



Napuno ng mga ngiti ng nasa 100 kabataang atletang Imuseño ang Function Hall ng New Imus City Government Center sa paglunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ng Aksyon Atleta Program nitong Hunyo 20, 2024.

Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pamamahagi ng mga bagong sapatos at monthly cash allowance sa mga kabataang atleta ng football, softball, baseball, athletics, at chess.

Kaagapay sa naturang pamamahagi ang Imus City Sports Development Unit, sina Konsehal Mark Villanueva, Konsehal Atty. Wency Lara, Liga ng mga Barangay President Rey “RR” Ramirez, at Sangguniang Kabataan Federation President Glian Ilagan.

Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang patuloy na pagsuporta sa mga kabataang Imuseño sa iba’t ibang larangan ng sports.