City of Imus

Imus LGU, sumailalim sa 2024 SGLG Regional Validation



June 5-6



Bumisita sa Imus ang regional assessment team ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) Regional Assessment ng Pamahalaang Lungsod ng Imus noong Hunyo 5–6, 2024.

Muling sinuri ng assessment team ang 10 governance areas na pamantayan ng mabuting pamamahala, gayon din ang 21 tanggapan at pasilidad ng lokal na pamahalaan.

Bahagi ng regional assessment team sina Cluster Head Local Governance Operations Officer (LGOO) IV Marcial Juangco, LGOO III Niña Norissa Maranga, LGOO III Alice Bay, Engr. Earl Buna, at Civil Society Organization Representative Pastor Fritz Carnaje.

Nagsagawa rin ng courtesy call ang naturang assessment team sa opisina ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula.