City of Imus

Basic computer skills natutunan ng 13 PWD



July 16



Sa pagtutulungan ng Imus City Public Library (ICPL) at Persons with Disability Affairs Office (PDAO), sumailalim sa Basic Computer Literacy Training ang 13 Imuseñong may kapansanan nitong Hulyo 16, 2024, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disability Rights Week ngayong linggo.

Katuwang sina Maria Arianna Camille Dela Cruz at Maria Isidra Bergunder ng Provincial Information Communications and Technology Office, naituro sa mga kalahok ang basic computer skills at ang paggawa ng maayos na résumé. Ang Digital Literacy Training ay isa sa mga programa ng ICPL na may layuning maitaguyod ang sapat at nararapat na kaalaman sa modernong teknolohiya upang makasabay ang mga Imuseño.

Batay sa Proclamation No. 597, s. 2024, ipinagdiriwang ang National Disability Rights Week (formerly National Disability Prevention and Rehabilitation Week) tuwing Hulyo 17 hanggang 23 para sa patuloy na pagsusulong ng pantay na pagtingin at karapatan sa mga taong may kapansanan.