Inilunsad nitong Hulyo 13, 2024 ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang City Greening Program sa pagtatanim ng 127 binhi ng banaba sa kahabaan ng Advincula Road, Brgy. Pasong Buaya I. Ito ay pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula katuwang ang City Environment and Natural Resources Office. Bahagi rin sina Konsehal Darwin Remulla, Konsehal Enzo Asistio, City Disaster Risk Reduction and Management Officer Marisel Cayetano, Pasong Buaya I Brgy. Captain Wilfredo Ramos, Anabu I-G Brgy. Captain Robinson Silla, at sina JSINSP Roger B. Almoradie Jr. at SJO2 Annaliza A. Arabani ng Imus Bureau of Jail Management and Penology sa nasabing aktibidad ng pagtatanim ng puno ng banaba . Pinasasalamatan din ng Pamahalaang Lungsod sina HR and GS Division Jocelyn Deluta, Procurement Manager Melanie Sañosa, at Revenue Officer Mary Ilumin ng BP Waterworks, JM Purificacion Chief Executive Officer/Owner Jason Minaldo Purificacion, The District Imus Chief Engineer Miko Destajo, Project Human Resource Officer Aris Joy Bautista ng Makati Development Center, at Pollution Control and Safety Officer, EMS Chair Abram B. Giron ng San Miguel Yamamura Packaging Corporation. Layon ng nasabing tree planting na mahikayat pa ang mga Imuseño na makiisa sa mga gawaing makabubuti sa kapaligiran at makatutulong sa kalikasan.