City of Imus

Dengue misting sa Imus nagsimula na



July 15



Personal na iginawad ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang 97 misting machines sa bawat barangay sa Imus noong Hulyo 15, 2024, sa New Imus City Government Center.

Ayon kay Mayor AA, nakababahala ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dengue sa lungsod. Kaya hinihikayat niya ang mga mamamayang makiisa sa paglilinis ng kani-kanilang mga tahanan at kapaligiran tuwing ikaapat ng hapon.

Agaran namang nagsagawa ng misting ang ilang mga barangay sa Imus matapos matanggap ang mga misting machine. Isa lamang ang misting sa mga solusyon laban sa pagkalat ng mga lamok na may dala ng dengue virus.

Inaabisuhan pa rin ang publiko na tukuyin at sirain ang mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok na may dalang virus. Protektahan ang sarili sa pamamagitan ng paggamit ng mosquito repellent at iba pang preventive measures. Agarang magpakonsulta sa pinakamalapit na health center sa oras na makaranas ng mga sintomas na may kaugnayan dito.

Ilan sa mga sintomas ng dengue ay ang mataas na lagnat sa loob ng dalawa hanggang pitong araw, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, panghihina, pagkawala ng ganang kumain, pamumula ng balat, pananakit ng tiyan at pagsusuka, at pagdurugo ng ilong at gilagid.