City of Imus

Mayor AA, Cong. AJ binisita ang mga lumikas na pamilya dulot ng Habagat, Bagyong Carina



July 23-26



Personal na kinumusta nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula nitong Hulyo 23–26, 2024, ang mga pamilyang labis na naapektuhan dahil sa pananalasa ng habagat na pinalakas ng Bagyong Carina.

Una nang dinalaw ni Mayor AA ang 28 pamilyang pansamantalang nanuluyan sa Tinabunan Elementary School. Nag-ikot din siya sa Brgy. Pag-asa III at nakipag-ugnayan sa MPT South Management Corporation CALAX at Department of Public Works and Highways upang masolusyonan ang madalas na pagbaha sa mga barangay Medicion at Pag-asa.

Ininspeksyon din ng alkalde ang relief goods na ipinamamahagi ng Pamahalaang Lungsod, gayon din ang mga floatation device, rescue boat, at iba pang search and rescue equipment na nasa pangangalaga ng Imus City Disaster Risk Reduction and Management Council.

Namahagi rin ng bigas at food pack sina Mayor AA at Cong. AJ sa mga residente ng mga Brgy. Medicion II-A, II-B, II-C, at II-E noong Hulyo 26.