City of Imus

Tatlong bagong pampublikong paaralan pinasinayaan ng Imus LGU



July 26



Magkakasunod na pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna nina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, at ng Department of Education, ang tatlong bagong pampublikong paaralan sa mga barangay Malagasang at Maharlika nitong Hulyo 26, 2024, ilang araw bago magsimula ang pasukan sa mgta pampublikong paaralan.

Una nang pinasinayaan ang Francisca Tirona Benitez Integrated School sa Jade Subdivision, Brgy. Malagasang I-D, sinundan ng City of Imus Integrated School sa Greengate Homes, Brgy. Malagasang II-A, at panghuli ang Anastacio Advincula Integrated School sa Brgy. Maharlika. Nakatayo sa 1.8 ektaryang lupain ang apat na palapag na gusali ng Anastacio Advincula Integrated School na kinabibilangan ng 20 silid-aralan.

Pareho namang itinatag sa 5,000 sq. m. na lupain ang apat na palapag na gusali ng Francisca Tirona Benitez Integrated School na mayroong 16 na silid-aralan at ng City of Imus Integrated School na mayroong dalawang apat na palapag na gusali na kinabibilangan ng 12 at 20 silid- aralan.

Kasama rin sa pagpapasinaya sina Board Member Shernan Jaro, Imus City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, Konsehal Lloyd Jaro, Konsehal Yen Saquilayan, Konsehal Jelyn Maliksi, Konsehal Dennis Lacson, Konsehal Darwin Remulla, Konsehal Enzo Asistio, Konsehal Igi Revilla, Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office Command Center Manager AJ Sapitan Jr., Schools Division Superintendent Homer Mendoza, at ang DepEd Imus.

Kasabay rin sa kaganapan ang pagbabasbas, ang paghahawi ng tabing ng mga marker, at ang key turnover.