Ngayong panahon ng pagmamahalan, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang programang “Lab for Love” libreng laboratory tests nitong Disyembre 1, 2024, sa City of Imus Diagnostic Laboratory, Malagasang I-G. Mula Lunes hanggang Biyernes, maaaring magpa-laboratory test ang mga sumusunod na Imuseño: • Uniformed personnel at guro tuwing Lunes • Senior citizens, mga may kapansanan, at mga buntis tuwing Martes • Mga drayber ng tricycle, pedicab, jeepney, at delivery riders tuwing Miyerkules • Healthcare workers tuwing Huwebes • Mga opisyal ng barangay at miyembro ng sangguniang kabataan tuwing Biyernes. Narito ang listahan ng mga laboratory tests na maaaring maipagawa: • Fasting Blood Sugar • Blood Urea Nitrogen • Creatinine • Blood Uric Acid • Lipid Profile (Cholesterol, Triglycerides, HDL, LDL, VLDL) • Complete Blood Count with Platelet Count. Magdala ng valid identification card o kahit anong dokumentong nagpapatunay na ikaw ay residente ng Imus. Pinaaalalahanan din ang mga magpapa-eksamin na mag-fasting 10 oras bago isagawa ang laboratory testing, gawin ang fasting sa gabi, at huwag kumain, uminom, o manigarilyo. Mahalin ang inyong kalusugan, Imuseño.