City of Imus

AAsenso Ka sa Buwis na Binayad Mo Raffle Draw 2024, isinagawa



December 16



Sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, ginanap ang raffle draw ng AAsenso Ka sa Buwis na Binayad Mo 2024 nitong Disyembre 16, 2024, sa New Imus City Government Center.

Grand winners ang tatlong kumpanya sa Imus na nag-uwi ng tig-isang milyong piso. Kinabibilangan ang mga ito ng Annies Candy Manufacturing Corp., Liwayway Marketing Corp., at San Miguel Yamamura Glass Plant.

Sampung business at real property taxpayers naman ang nanalo ng P100,000. Ang mga ito ay ang:

• San Miguel Yamamura Packaging Corp.
• Corina Torcuator Ramirez/Hercules Ramirez
• Danilo Ong/Double S2
• Smart Communications
• Aileen Abustan
• Michael C. Ang
• Julio Agana Jr.
• Jayson B. Ladines
• Rita T. Siel
• Juanito De Blas Jr. & Anely De Blas

Samantala, dalawang pung taxpayers ang hinandugan ng P50,000. Narito ang listahan ng mga nabunot:

• Aida Tan Chua/Robert Chua/George Chua
• Enrico S. Saulog
• Irene P. Obinario
• Ruth & Joshua Jay M. Gallardo
• Pru Life Insurance Corporation of U.K.
• Charina B. Isorena
• PH Global Jet Express Inc.
• Marieta Aranzaso & Patrick Ray Aranzaso
• PCG Golden Plate Food Corporation
• Bobbylito P. Tidoy & Aquilina Jaranillo
• Thelma Manalili
• Caryne L. Alodo
• Chino Aaron M. Reyes
• Angelicum Primarosa Montessori School Inc.
• AVB Motorhub Pilipinas, Inc.
• Goodlife Fastfood Corp. (Jollibee)
• Argeo & Marilou Ranoco
• MCE Rocktech Phils Corp.
• Amicassa
• R/L. Abad Supermarket

Pormal na ring tinanggap ng Annies Candy Manufacturing Corp., Liwayway Marketing Corp., at San Miguel Yamamura Glass Plant ang isang milyong piso nitong Disyembre 23, kung saan personal itong ibinigay ni Mayor AA, Imus City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan at ng buong Team AJAA.

Ang AAsenso Ka sa Buwis na Binayad Mo! ay handog nina Mayor AA at Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula sa Imuseño taxpayers.