City of Imus

Mayor AA, pinangunahan ang mga pagpupulong para sa kaligtasan ng mga Imuseño



May 20



Upang masiguro ang kaligtasan, kapayapaan, at kaayusan sa Imus, pinangasiwaan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang mga pagpupulong ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), City Peace and Order Council (CPOC), City of Imus Anti-Drug Abuse Council (CIADAC), at Philippine National Police (PNP) Retooled Community Support Program – Counter White Area Operations (RCSP-CWAO) to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) noong Mayo 20, 2025, sa New Imus City Government Center.

Napag-usapan sa Second Quarter CDRRMC Meeting ang pagpapatibay ng kahandaan at kaligtasan ng lungsod sa papalapit na tag-ulan at iba pang mga panganib na maaaring idulot ng mga sakuna at kalamidad.

Sentro naman ng talakayan sa Second Joint Quarterly Meeting ng CPOC at CIADAC ang estado ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod. Inaprubahan din dito ang resolusyon kaugnay ng Annual Investment Program ng Peace and Order Public Safety Fund ng Lungsod ng Imus para sa taong 2026.

Samantala, tinalakay sa pagpupulong ng CIADAC ang mga pagbabago sa Barangay Drug Clearing Program at Community-Based Drug Rehabilitation Program.

Ito ay dinaluhan din nina PLTCOL Chey Chey Saulog, FCINSP Hayceeline Obligar, JSINSP Victor Capuno, JSINSP Arnela Tolledo, City of Imus Traffic Management Unit Head Rizaldy Nato, Office of the CDRRM Officer Marisel Cayetano, Peace and Order and Public Safety Secretariat Paul Nicolas Esguerra, Civil Society Organizations Representatives Ronnel Garcia ng Anti-Violence Task Force at Jose Michael Oloris ng Philippine Rescue Volunteers Association, at Mark Perando ng Angat Imus Homeowner’s Alliance Inc.

Naging usapin naman sa PNP RCSP – CWAO to ELCAC 2nd Quarter Accomplishment ang mga naisakatuparan at tugon ng Imus Pulis para sa kaligtasan ng mga Imuseño.

Tuloy-tuloy ang pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na maging kaisa ang iba’t ibang sektor para sa mas matatag, mas handa, at mas ligtas na Lungsod ng Imus.