Inihayag ng 191,949 na botanteng Imuseño ang kanilang boses sa nagdaang Halalan 2025 noong Mayo 12. Patuloy ang pag-angat ng Imus nang makuha ng Team AJAA ang mayorya ng mga boto. Muling irerepresenta ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula ang Imus sa mababang kapulungan matapos makakuha ng 98,072 boto. Nanaig din ang tambalan nina Mayor Alex “AA” L. Advincula, nakakuha ng 119,636 na boto, at Vice Mayor Homer T. Saquilayan, nakalikom ng pinakamataas na boto na 140,016, sa kanilang pagkapanalo. Magiging boses naman ng mga Imuseño sina Board Member Ony Cantimbuhan at Board Member Lloyd Jaro sa Sangguniang Panlalawigan ng Cavite. Samantala, bahagi ng ikaanim na Sangguniang Panlungsod ng Imus sina Konsehal Shernan Jaro, Konsehal Dennis Lacson, Konsehal Atty. Wency Lara, Konsehal Yen Saquilayan, Konsehal Larry Boy Nato, Konsehal Sherwin Lares Comia, Konsehal Darwin Remulla, Konsehal Enzo Asistio, Konsehal Jelyn Maliksi, Konsehal Igi Revilla Ocampo, Konsehal AJ Sapitan, at Konsehal Mark Villanueva. Ayon sa datos ng Commission on Elections, mayroong kabuuang 238,853 botante ang Lungsod ng Imus.