City of Imus

Imus LGU kinilala bilang 1st Class City



February 17



Tinanggap ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang plake na naglalaman ng resolusyong kumikilala sa Imus bilang First-Class City nitong Pebrero 17, 2025, sa New Government Center ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite.

Personal na iginawad ni Governor Athena Tolentino ang nasabing plake kina Mayor AA at Noveleta Mayor Dino Chua na hinirang naman bilang First Class Municipality.

Nakasama rin sa pagtanggap ng parangal sina Imus City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, Vice Governor Shernan Jaro, Board Member Ony Cantimbuhan, Konsehal Lloyd Jaro, Konsehal Darwin Remulla, Konsehal Larry Nato, Konsehal Mark Villanueva, Konsehal Sherwin Lares Comia, Konsehal Igi Revilla Ocampo, Konsehal Atty. Wency Lara, Konsehal Enzo Asistio, Konsehal Totie Ropeta, dating Konsehal Tito Monzon, dating Liga ng mga Barangay (LNB) President AJ Sapitan Jr., kasalukuyang LNB President RR Ramirez, Cavite Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Chelsea Sarno, at SK Federation President Glian Ilagan.Ang bagong income classification ng Imus ay batay sa Kautusan ng Kagawaran Blg. 074-2024 ng Department of Finance.

Ayon sa Seksyon 7 ng Batas Republika Blg. 11964, o “Automatic Income Classification of Local Government Units Act,” ang klasipikasyon ng isang lokal na pamahalaan ang basehan sa halaga at suportang ibinibigay ng pambansang pamahalaan.

Ilan sa mga ito ay:

-Administrative and statutory aid at financial grants.
-Halaga ng pondong inilalaan para sa mga programang pangkaunlaran at proyektong prayoridad.
-Paglalaan ng pondo para sa kalusugan, edukasyon, kapakanang panlipunan, kapaligiran, pagkain at tubig, kalinisan, at kapayapaan at kaayusan.
-Libreng patent title sa mga lupaing tirahan na hindi hihigit sa 500 metro kuwadrado.
-Pagtaas ng suweldo para sa mga kasambahay.
-Proteksyon ng mga lupaing pang-agrikultura.
-Proteksyon sa mga kagamitan ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Government Service Insurance System.

Ang malaking hakbang na ito mula sa pagiging Third Class Income Classification City ay patunay sa dedikasyon ng administrasyong Advincula na iangat ang kalidad ng pamumuhay sa Imus.