Matatamis na mga kuwentong pagmamahalan ang nangibabaw sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ngayong Pebrero 1–28, 2025. Heart-shaped traffic lights Una nang nagliwanag ang mga hugis-pusong traffic lights sa mga pangunahing kalsada ng Imus. Nagsilbi rin ang mga ito bilang mga paalala mula sa lokal na pamahalaan na pang-unawa at pagmamahal sa kapwa motorista ang mangibabaw at hindi ang bugso ng damdamin. Imus-credible Stories Naantig ang mga puso nina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula at Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa Imus-credible Stories na ibinahagi ng mga Imuseño ngayong Araw ng mga Puso. Bilang paghanga, inihandog sa 21 Imuseñong may pinakamatatamis na istorya ang Valentine’s dinner date sa Vikings Buffet at P10,000. Ang mga nanalo ay sina Ires Suan Salutan, Milagros Lontoc, Gabriel Alexa, Madonna Quintas, Nax Oraye Nacua, Alexza Cornejo, Sherra Fastidio, Maylyn Vasquez Binosa, Shiela Mae Ellaso, Jov Bongco, Corazon Damance, Jay Ann Bumagat Pakingan - Pagacina, Liezel Oledan, Chinee Maluto, Maria Liza Igtiben-Escanilla, Rose Divino, Angelica Genido Ramos, Shelley Bonaobra Vibal, Lyneth Valguna, Maricar Gasalao, Jude Salvador, Rolando Doliente, Josh Conopio, Jella Sarreal, Rico Bordon Arrozal, Mary Grace Aliponga, Gizel S. Yopio, at Cristina Barcoma. Regalong tsokolate ni Mayor AA Sa araw din ng mga puso, nag-ikot si Mayor AA sa New Imus City Government Center para iparating sa mga Imuseño ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga munting tsokolate. Nakasama ng alkalde sa pamamahagi sina Konsehal Larry Nato at Konsehal Sherwin Lares Comia. Ika-28 batch ng mga magkabiyak, ikinasal Pinangasiwaan ni Mayor AA ang pag-iisang dibdib ng 38 pares sa Kasalang Imuseño ngayong Miyerkules, Pebrero 19, 2025. Nagbigay-pagbati rin si Cong. AJ sa mga bagong kasal sa pamamagitan ng isang video message. Nagbahagi naman si City Chaplain Ramil Ilano ng Salita ng Diyos. Naghandog din ang kongresista at ang alkalde ng electric fan, rice cooker, unan, at monetary gift. Sa datos, 636 na pares na ang naikasal sa Kasalang Imuseño.