City of Imus

Pinakamalaking Landers sa bansa, binuksan sa Imus



April 23 2025



Opisyal nang binuksan ang pinakabago at ang pinakamalaking Landers sa bansa na matatagpuan sa Vermosa, Lungsod ng Imus nitong Abril 23, 2025.

Pinaunlakan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang imbitasyon sa pagbubukas, kung saan nakasama niya sina Chief Operating Officer Paul Birkett, Vice Chairman Gwen Lourdes Lim, Chief Transformation Officer Bill Cummings ng Landers, gayundin ang aktres na si Sunshine Cruz.

Ang pagbubukas ng Landers Vermosa ay isang simbolikong kaganapan sa Imus dahil sa mas maraming oportunidad na mabubuksan nito para sa trabaho ng mga Imuseño.