Iba’t ibang produktong halal ang mabibili sa The District Imus sa opisyal na pagbubukas nitong Abril 29, 2025, kasama ang mga Imuseñong Muslim. Bahagi rin dito ang mga kinatawan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna ni Officer-in-Charge Lauro Monzon ng Office of the City Administrator bilang representante ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Office of the City Information Officer Ervin Ace Navarette, Office of the Local Economic Development and Investment Promotions Officer Jhett Vilbar–Lungcay, at Public Relations Officer III Pinky Rembulat bilang kinatawan ni Acting Tourism Officer Dr. Jun Paredes. Kabilang din sa mga nanguna sa programa sina Philippine Commission on Women for the Culture Sector Amielyn "Asliyah" Limbona, Ollocal.PH Store Manager Jennilen Bayas, mga representante ng Ayala Malls na sina Myron Lawrence Yao at Joney Chelle Catague, at The District Imus General Manager Carrie Saul. Ang nasabing Halal Corner ay pinangungunahan ng Ollocal.PH, katuwang ang Alagang AyalaLand Center at Arkat Lawanen Doll - Maranao Women Empowerment. Hangad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na makilala pa at tangkilikin pa ang mga dekalidad at malinamnam na produktong halal.