City of Imus

KADIWA ng Pangulo muling nagtungo sa Lungsod ng Imus



April 11 2025



Mura at abot-kayang produktong lokal ang nabili ng mga Imuseño sa muling pagdating ng KADIWA ng Pangulo sa Lungsod ng Imus noong Abril 11, 2025, sa Brgy. Pasong Buaya II.

Nakapamili rin ang mga Imuseño ng bigas, sariwang prutas, gulay at iba pa mula sa humigit- kumulang 30 tindahan.

Ang Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita (KADIWA) ng Pangulo ay ang flagship program ng pamahalaan na layong matulungan ang mga Pilipinong magkaroon ng maayos na kita at makapamili ng mga murang produkto.