Pormal nang natanggap ng 301 mag-aaral ng City College of Imus (CCI) ang kanilang sertipikasyon sa 16 na technical at vocational courses sa ginanap na commencement exercises noong Abril 4, 2025, sa City of Imus Sports Complex. Bahagi rin dito ang dating estudyante ng CCI na si Allan Pastrana bilang panauhing pandangal. Nagsipagtapos ang mga estudyante sa mga kursong Hilot Wellness Massage, Basic Baking (Commercial Pastry), Basic Baking (Commercial Bread), Basic Bookkeeping, Beauty Care Spa Salon Services, Beverage Mixing, Body Massage Techniques Application, Cake Decorating, Hair Care Salon Service, Hot Dishes (Cookery), Preparation of Financial Reports, Espresso- based Preparation, Drafting and Cutting Pattern for Ladies Casual Apparel, Sewing Ladies Apparel, Wiring Devices, at Hotel Rooms Preparation. Ito ang unang batch ng graduates ng CCI ngayong 2025.