City of Imus

Malagasang defending champion sa 2024 Inter-barangay 2nd AJAA Cup Softball Tournament



April 14



Tagumpay ang Malagasang na depensahan ang kanilang kampeonato sa puntos na 6–1 kontra Tanzang Luma sa finals ng 2024 Inter-barangay 2nd AJAA Cup Softball Tournament na ginanap noong Abril 14, 2024 sa City of Imus Grandstand and Track Oval.

Personal na nasaksihan nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, at ng mga konsehal ang bakbakan sa pagitan ng dalawang koponan.

Natunghayan din ng mga lingkod bayan ang laban ng Bucandala at Anabu 1st para sa second place, kung saan tagumpay ang Bucandala sa puntos na 5–3.

Para naman sa individual awards, kinilala bilang Season Most Valuable Player (MVP), Best Slugger, Most Run Batted In, at Most Home Run si Kevin Campaña. Finals MVP naman ang dating konsehal na si L.A. Deocadis, Best Hitter at Most Stolen Bases si Arnel Arrieta, at Best Pitcher si Richie Topacio.

Bukod sa mga plake ay ginawaran din ng P150,000 ang koponan ng Malagasang, P100,000 ang Tanzang Luma, P75,000 ang Bucandala, at P50,000 ang Anabu 1st.

Ang bawat koponan ay nakatanggap din ng P20,000.

Matatandaang nag-umpisa noong Marso 9, 2024 ang tagisan ng mga koponan sa 2024 Inter-barangay 2nd AJAA Cup Softball Tournament.