Inilapit ng Cavite Career Caravan ang humigit-kumulang 8,000 job vacancies sa mga Imuseñong naghahanap ng trabaho noong Abril 5, 2024 sa Robinsons Imus. Sa 244 na aplikante, 17 rito ang natanggap agad sa trabaho. Nakasama rin ang 43 kumpanya at iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Kasabay nito ay ginanap ang isang Career Coaching, kung saan natutunan ng mga dumalo ang wastong pagsusulat ng resume, maayos na pagsagot sa mga job interview, at kung paano maiiwasang maging biktima ng mga illegal recruiter. Ang Cavite Career Caravan ay pinangungunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, sa pakikipagtulungan ng Cavite Provincial Public Employment Service Office (PESO) sa Cavite Sangguniang Kabataan Federation at sa Imus PESO ng Pamahalaang Lungsod ng Imus.