City of Imus

Makasaysayang float ng Cavite, tampok sa Parada ng Kalayaan 2025



June 12



Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan 2025 sa Luneta Park, Manila noong Hunyo 12, 2025.

Dito, lumahok sa Parada ng Kalayaan 2025 ang Lalawigan ng Cavite, kung saan itinampok ang mga makasaysayang tagpo sa lalawigan Cavite gaya ng Labanan sa Alapan, ang unang pagwagayway ng Pambansang Watawat, at ang pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas—mga paalaala sa mahalagang ambag ng Cavite sa kasaysayan ng bansa.

Ang makasaysayang pakikilahok na ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, Lungsod ng Cavite, at Bayan ng Kawit.

Kinatawan nina City Local Government Operations Officer Roxanne Vicedo, Liga ng mga Barangay President Reymundo Ramirez, Acting Tourism Officer Dr. Jun Paredes, at mga empleyado ng Office of the Tourism and Heritage Officer ang lokal na pamahalaan sa naturang pagdiriwang.

Ginugunita ang Araw ng Kalayaan tuwing Hunyo 12 bilang pag-alala sa kabayanihan ng mga Pilipinong ipinaglaban ang kasarinlan ng Inang Bayan.