Pormal na binuksan noong Hunyo 30, 2025 ang Imus City Central Police Station at Imus City Central Fire Station na ginanap sa Open Canal Road, Barangay Malagasang 2C. Sinimulan ang programa sa isang mainit na pagtanggap sa mga panauhin sa pangunguna ni Acting Chief of Police ng Imus City PLTCOL Chey Chey I. Saulog, at sinundan ng inspirasyonal na mensahe mula kina at Mayor Alex Advincula at Congressman AJ Advincula. Kasunod nito ang pormal na pagsasagawa ng unveiling of marker, key turnover at blessing ng BFP Central Fire Station at PNP Central Police Station, na pinangunahan nina Secretary of the Interior and Local Government Juanito Victor Remulla at Mayor Alex Advincula. Dumalo rin sa programa sina DILG Provincial Director Danilo Nobleza; Deputy Regional Director for Administration, PRO4A PCOL Melvin G. Napiloy; PCOL Dwight Alegre, Provincial Director ng Cavite PPO; FSSUPT Douglas Guiyab, na kumatawan kay FCSUPT Roy Roderick Aguto ng BFP Region 4A; FSUPT Genalyn Cabasal, Acting Provincial Fire Marshal ng Cavite; at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus at Sangguniang Panlalawigan ng Cavite. Ang pagkakatayo ng mga bagong pasilidad na ito ay malinaw na patunay ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, katuwang ang mga pambansang ahensya, upang mapalakas ang serbisyong pampubliko at sa larangan ng seguridad at kaligtasan ng bawat mamamayang Imuseño.