City of Imus

TEENDig Center ng DOH, pinasinayaan sa Imus



August 31



IMUS National High School — Pinangunahan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula ang pagtindig para sa kalusugan ng mga kabataang Imuseño sa pagbubukas ng kauna-unahang TEENDig (Trustworthy. Engaging. Encouraging. Nurturing a place for adolescents. Dignity) Center ng Department of Health (DOH) sa Imus nitong Agosto 31, 2023.

Hatid ng TEENDig Center ang mga libreng serbisyong medikal na angkop sa pangangalaga ng kalusugan ng mga kabataan.

Ilan sa mga serbisyong ito ay ang dental at reproductive health consultations; mental health, substance abuse, cancer prevention, at healthy lifestyle counselling; at ang pagkakaroon ng komprehensibong medical history sa pamamagitan ng electronic medical record.

Hinihikayat din ng naturang proyekto ang mga kabataan na maging TEENDig Advocate para malinang pa ang kamalayan ng kanilang kapwa sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan.

Sa isang video message, ipinahayag nina Cong. AJ at City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang kanilang patuloy na pagtindig sa pamamagitan ng pagtatayo ng karagdagang TEENDig Centers sa mga pampublikong paaralan sa Imus.

Ang proyektong TEENDig Kabataan! Kalusugan ay Pahalagahan ng DOH ay nabuo sa kanilang pakikipagtulungan sa Department of Education at sa United States Agency for International Development.