City of Imus

Imus kinilala sa ika-32 anibersaryo ng BJMPRO – CALABARZON



August 7



IMUS, Cavite – Tinanggap ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang Plaque of Appreciation na iginawad sa kaniya ng Bureau of Jail Management and Penology Regional Office (BJMPRO) – CALABARZON nitong Agosto 7, 2023.
Kasabay nito, pinarangalan din ang Imus City Health Office ng Plaque of Appreciation na personal na tinanggap ni City Health Officer Dr. Ferdinand Mina sa pagdiriwang ng ika-32 anibersaryo ng BJMPRO – CALABARZON noong Agosto 4 sa Calamba City, Laguna.
Ang mga pagkilalang natanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ay patunay sa buong-pusong suportang ibinibigay nito sa persons deprived of liberty na nanunuluyan sa Imus City Jail.