City of Imus

AAngat Ang Imus City ID, inilunsad



August 4



IMUS, Cavite — Ipinalabas na ang bagong City ID ng Pamahalaang Lungsod ng Imus noong Agosto 4, 2023 sa pamamagitan ng opisyal na Facebook page ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula.

Tampok sa AAngat Ang Imus City ID ang mga makasaysayang lugar sa lungsod, ang mga talentadong Imuseñong mang-aawit at mananayaw, ilang mga programang isinasagawa ng lokal na pamahalaan, at ang naggagandahang ngiti ng mga Imuseño.

Ang Lungsod ng Imus ay ang kinikilalang “Flag Capital of the Philippines” dahil dito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas noong Mayo 28, 1989 sa Labanan sa Alapan.

Link: https://www.facebook.com/alexladvincula/videos/641348877962720