City of Imus

Imus City Public Library, ginawaran ng Hall of Fame Award ng National Library



August 25



MANILA City — Pinarangalan ang Imus City Public Library ng Hall of Fame Award ng National Library of the Philippines at ng The Asia Foundation sa ginanap na 2023 Gawad Pampublikong Aklatan nitong Agosto 25, 2023.

Ang pagtanggap ng parangal na ito ay patunay sa kahusayan ng pamumuno ni City Librarian Rosena Roman na nakapag-uwi ng 12 parangal sa loob ng 10 taon.

Kabilang din sa iginawad ay ang 2022 Most Diligent Public Library in the Philippines dahil sa regular na pagpapasa ng Imus City Public Library ng mga ulat kaugnay ng mga serbisyo at programang ipinapatupad nito.