City of Imus

Pamamahagi ng relief goods ng Imus LGU sa 78 pamilyang inilikas dahil sa habagat



August 28



IMUS, Cavite — Namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng relief goods nitong Agosto 28, 2023 sa 78 pamilyang pansamantalang inilikas sa limang evacuation sites bunsod ng pananalanta ng habagat na pinalakas ng Bagyong Goring.

Sa pagtutulungan ng Imus City Social Welfare and Development Office at ng Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), matiwasay ang panunuluyan ng mga pamilya sa evacuation centers.

Binisita naman ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang bagong Command Center ng CDRRMO sa Brgy. Buhay na Tubig. Inalam din ng alkalde ang lagay ng panahon at ang paggalaw ng binabantayang bagyo.

Nakahanda ang Pamahalaang Lungsod ng Imus na rumesponde sa mga pangangailangan ng mga Imuseño ano mang oras.