City of Imus

Imus Birthing Home, nakapagpaanak na ng dalawang sanggol



August 16



IMUS, Cavite — Personal na binisita ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang dalawang kauna-unahang sanggol na ipinanganak sa City of Imus Birthing Home noong umaga ng Agosto 16, 2023.

Kinilala ang malulusog na sanggol na sina baby Brianna Sai Alexie na isinilang pasado alas-kuwatro at baby Alexandra na isinilang pasado alas-nuwebe y medya ng umaga.

Maayos din ang lagay ng kanilang mga nanay na sina Arbielyn at Camela.

Bukas ang Birthing Home sa loob ng 24 na oras upang magbigay ng ligtas at libreng konsultasyon at panganganak sa mga Imuseñong nagbubuntis.