City of Imus

12,033 negosyo, rehistrado na sa Business One-Stop Shop 2023



January 3-31



IMUS SPORTS COMPLEX — Para mapadali ang pagkuha ng business permits ng mamamayang Imuseño, pansamantalang binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Business One-Stop Shop (BOSS) sa Imus Sports Complex, Brgy. Poblacion II-A mula Enero 3 – 31, 2023.

Sa tala ng Business Permits and Licensing Office (BPLO), 665 bagong negosyo ang nagparehistro habang 11,368 negosyo ang muling kumuha ng kanilang mga permit ngayong taon.

Sa pamamagitan lamang ng tatlong hakbang (assessment, payment, at release), naproseso na ang mga aplikasyon at renewal ng business permits.

Nabigyan din ng opsyon ang mga nagpa-renew na magpasa ng mga dokumento online bago magtungo sa BOSS upang magbayad at makuha ang kanilang official receipt, community tax certificate, business plate, mayor’s permit certificate, at sanitary permit.

Bukas din ang BOSS sa tanggapan ng BPLO sa Imus City Government Center mula Lunes hanggang Biyernes, 08:00 ng umaga hanggang 05:00 ng hapon.

Matatagpuan ang buong detalye ng mga kakailanganing dokumento sa official website ng Pamahalaang Lungsod ng Imus – https://cityofimus.gov.ph/downloadable-forms.

Inaabisuhan naman ng lokal na pamahalaan ang mga negosyante at namumuhunan na magbayad ng buwis at kumuha ng kanilang business permit sa tamang oras upang maiwasan ang pagpapataw ng multa at tuluyang pagpapasara sa kanilang mga establisyimento.