IMUS, Cavite — Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang city-wide clean-up nitong Enero 28, 2023 bilang pakikibahagi sa Zero Waste Month ngayong taon. Kasabay nito, naglagay rin ang Imus City Environment and Natural Resources Office ng mga karatula na nagpapaalala na ipinagbabawal ang pagkakalat at pagtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar sa Imus. Matatandaan na nakatanggap kamakailan ng gold award ang lungsod mula sa Department of the Interior and Local Government Region IV-A—Manila Bay Clean-up Rehabilitation, and Preservation Program dahil sa mga epektibong programang ipinapatupad nito para sa pangangalaga sa Manila Bay. Patuloy naman ang pagpupursigi ng Pamahalaang Lungsod na mahikayat pa ang mga Imuseño na maging kaisa tungo sa maaliwalas at malinis na Imus.