City of Imus

Pagsalubong ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa mga opisyal ng Bayawan City



Januray 25



IMUS CITY GOVERNMENT CENTER — Pinangunahan nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan ang mainit na pagtanggap sa Pamahalaang Lungsod ng Bayawan, Negros Oriental, sa pangunguna nina City Mayor Jack Raymond at City Vice Mayor Henry Carreon Jr., nitong Enero 25, 2023 para sa kanilang benchmarking sa Lungsod ng Imus.

Dito, ibinahagi ni Mayor AA na ikinalulugod niyang makilala si Mayor Jack sa kanilang mga dinaluhang pagtitipon sa League of Cities of the Philippines.

Mas nakilala rin ng dalawang lungsod ang isa’t isa sa pagpapakilala ng kanilang mga vice mayor sa mga miyembro ng kanilang Sangguniang Panlungsod.

Ibinida naman ni Mayor AA ang lumalagong ekonomiya ng Imus at ang ipinagmamalaking produkto ng lungsod na longganisa.

Sa pagbisita ng lokal na pamahalaan ng Bayawan, naniniwala si Mayor AA na titibay pa ang samahan ng dalawang lungsod.