City of Imus

Imus LGU nakiisa sa 3rd Qtr. NSED



September 7



IMUS City Government Center — Sa ikatlong National Simultaneous Earthquake Drill, sabay- sabay muling nag-drop, cover, and hold ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Imus noong Setyembre 7, 2023.

Layunin nito na matiyak ang kahandaan ng mga kawani sa oras na magkaroon ng lindol. Isa rin ito sa mga paraan ng pamahalaan upang mahikayat ang publiko na makiisa at maging handa mula sa banta ng mga lindol.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVHOLCS), nakararanas ang Pilipinas ng 100 hanggang 150 lindol kada taon dahil bahagi ito ng “Pacific Ring of Fire.”

Bukod sa madalas na paglindol, aktibo rin ang mga bulkan dito. Kaya naman, mahalaga ang kahandaan ng mga mamamayan mula sa mga ito gaya ng pakikilahok sa mga earthquake drill.