City of Imus

Ikalawang batch ng tech-voc students ng CCI, nagsipagtapos



September 1



IMUS City Sports Complex — Personal na binati ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang 378 mag-aaral ng City College of Imus (CCI) na nagsipagtapos noong Setyembre 1, 2023.

Kinilala rin ang 60 estudyanteng nagsipagtapos dahil sa galing na kanilang ipinamalas. Hiniling din ng alkalde na magsilbi ang CCI bilang tulay patungo sa kanilang pinapangarap sa buhay.

Handog ng CCI – Technical Vocational Department ang mga libreng kurso para sa mga Imuseñong nais makapag-aral ng technical at vocational courses.