City of Imus

Price ceiling ng bigas ipinatupad sa Imus



September 5



IMUS Public Market — Agarang nagsagawa ng inspeksyon ang City Agricultural Services Office, sa pangunguna ni City Agriculturist Robert Marges, sa unang araw ng pagpapatupad ng itinalagang price ceiling ng pamahalaan sa buong bansa noong Setyembre 5, 2023.

Nakasaad sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 39 na hindi dapat tumaas sa P41 kada kilo ang regular na bigas at sa P45 kada kilo ang well-milled na bigas.

Sa pamamagitan ng lingguhang pag-iikot sa pamilihan, sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang masugid na pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin.