IMUS City Government Center — Sa pamamagitan ng Emergency Housing Assistance
Program (EHAP) ng National Housing Authority (NHA) Region IV-A, nabigyan ng tulong
pinansyal noong Setyembre 11, 2023 ang 85 pamilyang Imuseñong biktima ng sunog.
Ang pamamahagi ay pinangunahan nina Regional Manager Roderick Ibañez ng NHA Region
IV-A at Imus City Administrator Tito Monzon.
Ang EHAP ay isa sa mga programa ng NHA na layong matulungan ang mga mamamayang
labis na naapektuhan ng mga kalamidad at sakuna gaya ng sunog, lindol, baha, at bagyo.
Patuloy ang pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa iba’t ibang ahensya at
organisasyon para sa mga Imuseñong higit na nangangailangan.